Tipikal na kay Kapuso star at socialite Heart Evangelista na i-flex ang kaniyang mga travel, mamahaling damit, at branded items sa social media, at siyempre kasama na rito ang kaniyang loving husband na si Sen. Chiz Escudero.

Kamakailan lamang ay mega-share si Heart ng mga litrato habang nasa Venice, Italy sila ng mister, na mabibistayan sa kaniyang Instagram posts.

Ngunit bukod sa mga OOTD, bags, sapatos, alahas, mamahalin at mukhang masasarap na pagkain at magagandang tourist spots na pinuntahan at naglamyerda, may napansin ang mga netizen sa mister na senador.

Ito ay ang "plakadong kilay" nito na makikita sa isang larawan niya habang kumakain ng ice cream!

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Suspetsa ng mga netizen, walang ibang gagawa ng ganitong pak na pak na kilay kay Sen. Chiz kundi ang misis.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Kilay is lyp!"

"I’m all for the plakadong kilay!"

"Ay pakak ang eyebrows ni Mr @escuderochiz."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o komento ang mag-asawa tungkol dito.