Viral ngayon ang Facebook post ng isang netizen matapos niyang mapag-alamang sa halip na malambot na foam, mga diapers at feminine/sanitary napkins ang laman ng kutson na nabili niya sa isang naglalako nito, sa isang lygar sa Negros Oriental.

Hindi makapaniwala si "Mechelie Abuzo Oliveros" nang tumambad sa kanila ang mga gamit na diapers at feminine napkins sa loob ng kutson, nang tingnan nila ang loob nito matapos numipis.

Nang bilhin umano niya ang kutson sa naglalako, napabili siya dahil naramdaman niyang malambot naman ito at masarap higaan.

"shout out diay ko sa nagbaligya sa amo aning katre gaba ray amo nagbayad mig tarung sa inyo nya inani diay ang sulod. Ang sulod diay sa iyong gi baligya kay pampers nya napkin mao diayg humok kaayo kay abi namog kutson pero unsa man tawon ni? wa man lng mo na konsenya nga daghan mog gi bligyaan ani nya pampers ray sulod? maong sunod mag amping nata sa mga suroy nga katre!" aniya sa kaniyang caption.

Mga Pagdiriwang

World Mental Health Day: Ano nga ba pinagkaiba ng Anxiety, Stress at Depression?

Aniya sa kaniyang post, naniniwala umano ang customer na kakarmahin din ang tinderong nag-alok at nagbenta sa kaniya nito.

Hindi naman tinukoy ng uploader kung magsasampa ba siya ng reklamo o kilala niya ang napadaang tindero sa kanilang lugar.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 2.2k reactions at 7.7 shares ang naturang FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!