Matapos ang pa-Instagram story ng singer na si Jason Marvin Hernandez sa kasamang bebot na "nguso" lamang ang ipinasilip sa mukha matapos matakpan ng sumbrero, may bago na naman siyang pa-flex sa kaniyang "mystery girl" ngunit likod lamang ang nakabalandra dito.

Makikitang nakahilig pa sa kaniyang balikat ang ulo ng naturang "mystery girl" habang makikita sa kanilang harapan ang "Golden Gate Bridge sa San Francisco, USA, na masisilayan sa kaniyang IG story kahapon ng Biyernes, Mayo 19.

Cristy, sa 'chismis' ng balikang Jason at Moira: 'Bulok na bulok ang pagpapapansin'

(Screengrab mula sa IG ni Jason Hernandez)

Matatandaang lumikha ng ingay ang nauna nang Instagram story ni Jason sa kaniyang kasamang babae sa litrato, na ipinagpalagay pa nga ng mga netizen na ang kaniyang estranged wife na si Moira Dela Torre.

Ngunit pabirong pinabulaanan ni Moira na siya ang mystery girl at nagkabalikan na sila ni Jason.

"'ako'y tahimik lang sa umpisa…' eme. di ako yon," caption ni Moira.

Sey ng mga netizen, mukhang "soft launch" na ito ni Jason sa kaniyang bagong pag-ibig.

Inokray naman ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang umano'y "tsismis" na nagkabalikan na ang mag-asawa.