Higit isang araw lang matapos ilabas ng P-pop powerhouse SB19 ang latest single na “Gento” nitong Biyernes, nanguna agad ito sa YouTube trend list for music ngayong Sabado.

Agad na naagaw ng Pinoy group ang trono mula newest YG Entertainment girl group na ">BABYMONSTER na ngayo'y nasa ikalawang puwesto ng trend list para sa pre-debut track nitong “Dream” anim na araw matapos ang official release.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 700,000 views ang latest music ng SB19 na patuloy na umaani ng pawang positibong rebyu mula sa fans.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

“Ang ganda ng gento it shows how SB19 doesn't stop when it comes to their music evolution. It sounds different, refreshing to the ears. Di ka basta basta makakakita ng Gento indeed!!” mababasa sa isang komento ng fan sa official music video ng kanta sa YouTube.

“The MV and lyricism are very rich! Busog na busog ka at speechless ka na lang talaga after watching it dahil sa sobrang ganda! I also love the transitions lalo na ung song from English to Tagalog at may konti pang Spañol. Aminin we're very lucky that we have SB19 in our generation! Multi-Talented group of the PH!” segunda ng isa pa.

“I can’t get enough of it. Esp pag nabasa mo ang lyrics. Mas maapreciate mo how it is well written. Grabe lang lyricism mo Pablo and SB19. And kung paano saktong sakto yung line distribution. Alam mo talagang kilalang kilala nila ang isat isa eh. Grabe!! Kudos!!”

“Hindi tayo binigyan ng birit ni Stell pero fulfilling buong song, walang kulang at tinodo sa LABIS!!!! SB19 really gave their blood, sweat and tears on all of their crafts kaya ang ganda at never pumalya lahat ng kanta nila.”

“GENTO ang music video! The quality, OMG! Halatang pinag-isipan at pinagpaguran. Napakahusay ng SB19 at lahat ng taong nasa likod ng MV! Proud of y'all. Iangat natin ang musikang Pilipino! 🔥

“My boys are back with this. You guys always serves us something new to the table. Hindi kayo natatakot lagi na subukan Ang Bago. Grabe Yung standard na seniset niyo for ppop. Ito Yung PPOP "GENTO" dapat.🔥

“SB19 stands for Sound Break. Bawat kanta naginagawa nila malalim yung kahulugan, kailangan mo himayin. Surely they will conquer the world one day. Go SB19 break the sound even more!”

“SB19 stands for Sound Break. Bawat kanta naginagawa nila malalim yung kahulugan, kailangan mo himayin. Surely they will conquer the world one day. Go SB19 break the sound even more!”

Basahin: PANUORIN: ‘Gento’ ng SB19, ipinarinig na sa publiko – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang bagong kanta ay bahagi ng nalalapit na release ng “Pagtatag” extended play (EP) ng grupo sa darating na Hunyo 9.

Binubuo nina Pablo, Stell, Ken, Josh, at Justin, ang SB19 na ipinakilala sa publiko noong 2018.

Mula noon ay lalo pang inabot ng grupo ang rurok ng kasikatan sa mga hit songs “Mapa,” “Hanggang Sa Huli,” “Tilaluha,” “Where You At?” bukod sa maraming iba pa.

Samantala, nakatakda muling magsagawa ng world tour ang grupo na sisimulan nila sa bansa sa darating na Hunyo 24 at 25.