Nakakalulang ₱146 milyon na jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ang naghihintay sa mga lotto player ngayong Sunday draw, Mayo 21.

Sa jackpot estimate ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Mayo 20, papalo na sa ₱146 milyon ang jackpot prize ng nasabing lotto game matapos na hindi mapanalunan ang ₱141,414,346.80 sa huling draw nito. 

"So eto na nga ang latest Biggie jackpot game na dapat mong abangan at laruin dahil you never know... Until that day comes, dapat lagi kang kasali sa larong bida sa pusong Pilipino, #PCSOLottoGames, mga larong may ❤️," saad ng PCSO.

Kaya naman huwag nang magpatumpik-tumpik pa, pumunta na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya dahil baka ikaw na ang susunod na instant milyonaryo!

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.

May be an image of text that says 'ULTRA LOT106/58 6/58 JACKPOT ESTIMATE P146 MILLION Sunday, 21 May 2023 PCSO Iam f pcsogameshub'