Going strong ang relationshipng real-life Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Robertomatapos nilang ipagdiwang ang kanilang 6th anniversary.

Tila pinakilig naman ng dalawa ang mga netizen dahil sa kanilang sweet message sa isa't isa.

Inupload ni Barbie at Jak sa kani-kanilang Instagram account nitong Biyernes, Mayo 19 ang mga picture nila mula sa kanilang dinner date.

Nag-iwan din ang real-life couple ng mensahe sa isa't isa na nagpakilig naman sa mga netizen.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"You are the most understanding, patient and supportive man any woman could ask for. I don’t know how you do it but thank you so much for loving me the way you do. Greatest reality," saad ni Barbie.

"Dito lang din ako para sayo, mahal ko. We got this.11:11 Happy 6th. I love you so much," dagdag pa niya.

Sa post naman ni Jak, sinabi niyang proud siya sa kaniyang "mahal" na si Barbie sa lahat ng successes nito.

"11:11 Happy 6th Anniversary Madam! Gusto ko lang magpasalamat sayo sa lahat ng effort mo na mai-balance ang lahat… sa Career, sa Love, sa Family at sa lahat ng responsibilidad mo sa buhay. Masaya ko kapag nakakapag quality time tayo after ng trabaho dahil nakikita kong sulit na sulit sayo yun, nakikita ko kung gaano ka kasaya pag nakakapagbakasyon tayo and I’m so proud of you Mahal ko! Congratulations sa lahat ng success mo! Kahit ano man ang sabihin at isipin ng iba! Nandito parin ako, susuporta at mamahalin ka palagi! Mahal na mahal po kita."

Makikita sa comment section ng kanilang posts ang mga komento ng netizens. 

"Happy anniversary lovebirds !!!"

"Sweet! ❤️ Happy 6th Anniversary, beautiful couple!"

"Ansaya ng puso namin!!Happy Anniversary!!❤️so paano matulog?"

"Happy 6th Anniversary sa inyong dalawa!!! Sweet nman!!! ❤️❤️❤️Keep the love strong and burnin'!!! 😘😘😘"

"At nandito lang din kaming mga taga suporta at nagmamahal sa inyong dalawa!!mahal namin kayong dalawa palagi!Happy 6th Anniversary!"

"sa mundong punong puno ng bashers at haters be like Jak Roberto!🙌Awww makahilak man sad ta aning caption!!🥹🥹Love you both!!Happy 6th!!and counting...❤️"

"Happy Anniversary Jak and Barbie. Many more good years of love and togetherness ❤️❤️❤️"