Kaabang-abang ang final showdown ng tatlong young artists sa ika-limang season “The Voice Kids” na magaganap ngayong weekend, Mayo 20 at 21.

Magtatagisan ng galing sa pag-awit sina Shane Bernabe ng “Kamp Kayawan” ng coach na si Bamboo, Rai Fernandez ng “MarTeam” ng coach na si Martin Nievera, at Xai Martinez ng “Team Supreme” ng coach na si KZ Tandingan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kaniya-kaniya namang suporta at kampanya ang mga taga-hanga ng tatlong batang grand finalists sa social media dahil isang boto lamang per account ang maaring ibigay sa mga ito sa gabi ng kanilang performance.

Ang mananalo sa season na ito ay susunod sa yapak nina Lyca Gairanod, Elha Nympha, Joshua Oliveros, at Vanjoss Bayaban.

Mapapanood ang finale ng “The Voice Kids” sa lahat ng ABS-CBN platforms ngayong darating na Sabado at Linggo.