"Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo," yan ang maanghang na reaksiyon ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa chismis ng balikang Jason Hernandez at Moira dela Torre.

Dagdag pa na kuda ni Cristy Fermin sa latest episode ng kaniyang showbiz-oriented vlog na “Showbiz Now Na”, sinabi niyang bulok na bulok na umano ang teknik ng pagpapapansin ng dalawa sa social media.

Galit at hinamon pa nga ng showbiz columnist na ipakita ng dalawa ang umano'y mga bago nilang kasama sa viral photo na pinopost nila sa social media.

Aniya, "Face reveal ng hindi kayo nanggugulo ng mga nananahimik. At kung gusto n'yo maging relevant, ipakita ninyo kung sino 'yang mga kasama ninyo."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Bulok na bulok ang ginagawa ninyong pagpapapansin. Nakakainis lang, ginagawa n'yong tanga ang publiko. Ginagawa n'yong tanga ang mga bashers ninyo at lalong ginawa n'yong tanga ang sarili ninyo," dagdag pa niya.

Sey pa ni Cristy, wala naman daw umanong maayos na komunikasyon ang dalawa bakit kailangan pa umanong magdadrama sa kanilang mga social media accounts.

Sang-ayon naman si Cristy na posible umano itong taktika ng dalawa para magpromote ng bagong nilang kanta.

Aniya, "Alam mo may mga ganiyang tao talaga na parang nasa gitna sila ng entablado para mapag-usapan, para maging relevant. Bakit ang laki-laki ng promo ng social media ah?"

"Siguro may ilalabas silang kanta," sabi naman ni Rommel.

"Puwede. Hindi na nga kayo nag-uusap, ni maayos na komunikasyon tapos nagdrama pa kayo ng mga ganyan," sey naman ni Cristy.