Tinatayang 72,824 examinees ang tagumpay na pumasa sa March 2023 Licensure Examination for Teachers (LET), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Mayo 19.

Sa inilabas na resulta ng PRC, 24,819 sa 60,896 examinees (40.76%) ang pumasa sa elementary level at 48,005 sa 102,272 (46.94%) examinees ang pumasa sa secondary level ng LET.

Kinilala sina Sitty Ken Rose Alip mula sa Mindanao State University - Iligan Institute of Technology, Mikaela Andrea Tampilic Bonador mula sa University of the Philippines - Diliman, Jose King Paliza Clet mula sa Philippine Normal University (PNU) - Manila, Cyntal Arra Sabatin Dayag mula sa University of Mindanao (UM) - Tagum, Andrea Nicole Vicera Sumugat mula sa University of Negros Occidental - Recoletos, and Fritzie Mae Sarona Unabia mula sa Cebu Technological University - Argao bilang mga topnotcher sa LET elementary level matapos silang makakuha ng 92.20% score.

Si Mirven Maghuyop Cabesay mula sa UM-Davao City naman ang naging topnotcher sa secondary level matapos siyang makakuha ng 93.40% rating.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Samantala, hinirang na top performing schools sa elementary level ang Bohol Island State University - Tagbilaran at University of Santo Tomas matapos makakuha ng 100% passing rate.

Ang PNU-Mindanao naman ang naging top-performing school para sa secondary level matapos makakuha ng 98.32% score.