Naghihintay na mapanalunan ngayong Miyerkules ng gabi ang ₱29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Batay sa jackpot estimates ng PCSO, papalo sa ₱29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 habang ₱8.9M naman ang papremyo sa Mega Lotto 6/45.
"Say goodbye to lumbay, and say hi to hayahay!," saad ng PCSO.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Mega Lotto ay kada Lunes, Miyerkules at Biyernes.