Usap-usapan ngayon ang naging tugon ni Popstar Royalty Sarah Geronimo tungkol sa umano'y hindi pag-appear ng dance group na "G-Force" sa kaniyang 20th anniversary concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Mayo 12.

Natanong si Sarah ni ABS-CBN showbiz reporter Mario Dumaual tungkol sa isyu ng umano'y "break-up" nila ni Teacher Georcelle dapat-Sy, ang tumatayong founder at lider ng isa sa mga prime dance group sa bansa.

Ani Sarah, "Malaking bagay sila ng career ko. It would have been more magical if they were there…"

"I wanted them to be there to celebrate my 20 years with me… Baka maiyak ako," aniya pa.

National

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!

Hindi na nagbigay pa ng iba pang detalye si Sarah tungkol dito.

Matatandaang nagbigay na rin ng pahayag tungkol sa isyu si Teacher Georcelle, sa pamamagitan naman ni Ogie Diaz na natalakay nila ng co-hosts sa "Ogie Diaz Showbiz Update" entertainment vlog.

Inilarawan ni Teacher Georcelle na para silang "love team na nag-break-up" ni Sarah dahil sa mga nangyari.

Ang tinuturong dahilan kung bakit kinailangan nilang maghiwalay ng landas ay dahil sa "artistic differences."