Matapos ang higit anim na taon ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, nitong Martes lang nakuha ng daily contender sa bagong edisyon ang perfect score na 100 percent mula sa judges!

Ito’y matapos magpakitang-gilas ang pares nina Jovany Satera at Aljun Alborme sa pinakabagong season ng kilalang singing reality show.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Nitong Martes, sumalang ang pangmalakasang duo mula sa North Cotabato kung saan kinanta ang classic na “Delilah” ni Tom Jones.

Sa umpisa pa lang, hiyawan na ang audience sa studio dahil sa naglalakihang boses ng magkapares.

Sinundan pa ito ng malinaw na blending at astig na choreography na talaga namang kinaaliwan ng madlang people!

Maging ang mga host na sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Ogie Alcasid ay ‘di mapigilang matuwa at humanga sa naging standing ovation performance ng duet contenders.

“Grabe, second week pa lang tayo parang grand finals na ‘yung performance na pinakita ninyo,” sey ni Erik Santos kina Jovany at Aljun na dati pa niyang nasubaybayan sa solo edition ng TNT.

“Itong si Aljun kasi at Jovany, pareho kong na-witness ‘yung journey niyo dito sa Tawag ng Tanghalan at alam magagaling kayong dalawa. Pero hindi ko ine-expect nag anon kaganda ‘yung inyong ipapakita today,” dagdag ng OPM balladeer.

“Talagang grabe, na-miss naming ‘yung ganyang tunugan, ‘yung ganiyang galawan dito sa TNT. ‘Yan ang duet! Very entertaining. Para kayong hindi nag-compete, parang nagbigay lang kayo ng kasiyahan. Wala akong nakitang kaba sa inyo. Napaka-superb ng vocals, both of you. Great connection. Ang cute niyong dalawa. It was perfect. Congratulations,” pagtatapos ng singer.

Sa huli, pasado at perfect pa para kina Erik at mga kasamang judges na sina Louie Ocampo at Jona Viray ang naging score ng dalawa para itanghal na winner sa huli.

Ito ang kauna-unahang tumanggap ng perfect score ang contenter sa TNT matapos ang higit anim na taong pag-ere ng segment sa noontime show.