Tila hindi bumenta kay Kapuso comedienne/TV host Pokwang ang pa-Mother's Day greetings sa kaniyang ex-partner at American actor na si Lee O"Brian noong Mayo 14.

Bagama't generic o pangkalahatan ang kaniyang pagbati, tila si Pokwang daw ang tinutukoy sa bahaging "to the mother of my child."

"Happiest of Mother’s Day to all the mothers out there - to my very own, to the mother of my child, to my aunts and cousins, friends and all the women - who raise and nurture their children. We literally would not be here without you!! Thank you for what you do," ani O'Brian.

Lee O'Brian nagsalita na laban sa mga patutsada ni Pokwang

Bagay na nakarating naman daw kay Pokwang. Bagama't walang direktang tinukoy kung para sa ex-partner ang pasaring sa Instagram story, malakas ang paniniwala ng mga netizen na para nga kay O'Brian ito.

Mababasa sa IG story ni Pokwang, "Biglang may pa-post ka ng happy mother’s day to the mother of my child? Hahahahaa PLASTIC! Mga nakaraan wala naman tse!"

Pasaring pa ng komedyana, "Porke (may) movie? Mangga mangga hinog ka na ba? USE IN A SENTENCE? TAMA KANA ACCLA!”

Screengrab mula sa IG story ni Pokwang

Kamakailan lamang ay nagbigay rin ng reaksiyon si Pokie sa naging tugon naman ni O'Brian sa isang panayam patungkol sa kanilang hiwalayan issue. Tila kasi marami ang pumuri sa aktor dahil sa matipid at walang masamang salitang mga binitiwan, at naihambing ito sa pamamaraan naman ni Pokwang.