"MEET MY NEW PERSONALITY!"

Flinex ng YouTube vlogger na si Mimiyuuuh ang kaniyang bonggang dream car sa kaniyang social media accounts.

"THIS YEAR IS ALL ABOUT UPGRADE!!! Grabe parang dati lang po nakapin lang 'tong kotshe na 'to sa Pinterest ko tapos ngayon mag-skrt skrt na ko with it! Huhu," saad ni Mimi sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Mayo 15.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

Ibinahagi rin ng online personality ang pagkuha niya ng kaniyang dream car na "Jeep" sa kaniyang recent vlog. Dito rin niya sinabi na finally ay may sarili na siyang sasakyan. Ito rin daw ang kaniyang "new personality."

"For sure po you can actually achieve anything you want if you put your mind to it," saad ni Mimi sa unang bahagi ng vlog.

Nakilala si Mimiyuuuh sa kaniyang "Dalagang Filipina" video na nag-viral noong 2019. Dahil dito, iba't ibang brands na rin ang lumalapit sa kaniya.