Naniniwala si Matteo Guidicelli na darating ang oras na magiging okay ang relasyon nila ng mga magulang ni Sarah Geronimo.

Sa kaniyang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong Linggo, Mayo 14, itinanong ng batikang mamamahayag na si Jessica Soho kay Matteo ang tungkol sa relasyon nito sa kaniyang mga biyenan.

"How are you and your in-laws?" tanong ni Soho nang ma-open up ang tungkol kay Sarah, misis ni Matteo.

"I'd like to believe madam na things will be okay in time," sagot ng aktor.

VIRAL: Netizens, iyak malala sa emosyonal na tribute ni Sarah G sa mga magulang

"I think lahat naman ng bagay sa buhay hindi puwedeng pilitin. Timing timing lang ba. So sana balang araw maging okay ang lahat. Not just for me but for Sarah's peace of mind kasi at the end of the day family is family," dagdag pa niya. 

Matatandaang hindi umano nagustuhan ng mga magulang ni Sarah na sina Mommy Divine at Tatay Delfin ang pagpapakasal ng kanilang anak kay Matteo noong Pebrero 2020. 

Samantala, sa naganap na 20th anniversary concert ni Sarah noong Mayo 12, nag-handog ito ng awitin para sa kaniyang mga magulang.