Marami ang nasasabik at atat nang mapanood ang gagawing panggagaya ni Kapuso comedian Michael V sa social media personality-chef na si "Ninong Ry," sa longest-running at award-winning gag show nitong "Bubble Gang" sa Kapuso Network.

Kitang-kita sa litrato ni Bitoy na tila kuhang-kuha niya ang hitsura ni Ninong Ry, at may caption itong "Kumusta mga inaanak?" Abangan sa #BubbleGang."

"Legit ba idol bitoy???? Naexcite ako!!!!!!! Michael V." caption ni Ninong Ry matapos itong ibahagi sa kaniyang Facebook post.

Rendon Labador gustong 'pabagsakin' ang showbiz era

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Naku po, ayan na! Exit na si Ninong Why ko. Hahahaha!"

"Kasi napaka-informative and helpful naman ng mga contents ni Ninong Ry. Kaya ayan na, sinimulan na ni legend Sir Direk Bitoy."

"Ninong V!"

"Michael V kamukha ng lahat."

Samantala, marami naman din sa mga netizen ang pabirong humirit kay Bitoy, na next time daw ay gayahin naman niya ang nagpasaring sa kaniya na si social media personality Rendon Labador. Mababasa ito sa mismong Facebook post ni Ninong Ry kay "Ninong V."

"Sana ininvite n'yo din si Rendon Labador."

"Paglutuin n'yo ng delusional rice ng matauhan yun isa."

"Next time yung Labador naman Sir Michael V. Para di mag Tantrums yung isip Bata."

Ngunit marami din ang nagsabing huwag na lamang daw pagtuunan ng pansin ni Bitoy si Rendon.

"Ginagaya lang ni sir Bitoy yung mga sikat sir 🙂 yung feeling sikat hindi."

"Sana yung sikat na lang wag na yung feeling sikat."

"Huwag lalaki ulo n'yon."

Matatandaang nag-react si Rendon sa naging pahayag ni Bitoy tungkol sa content creators, at sinabihan itong "laos" na gayundin ang iba pang mainstream celebrities.