Inaasahang darating sa Pilipinas ang nasa 391,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccine sa susunod na linggo, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes, Mayo 16.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Singh-Vergeire sa isang media forum nitong Martes, na ang pagtanggal ng World Health Organization (WHO) sa Covid-10 global health emergency ay hindi nakakaapekto sa pagbili ng bansa ng bakuna.

“Natapos na natin lahat ng kailangang isumite. Nagbigay naman ng commitment ang bansang magbibigay sa atin that by next week we will receive it already," ani Vergeire.

Sa parehong forum, pinabulaanan ni Vergeire ang mga kumakalat na pahayag na sinadyang ipagpaliban ng DOH ang pagbili ng bivalent Covid-19 jabs, aniya nakikipag-ugnayan sila sa vaccine manufacturers mula pa noong Agosto 2022.

National

PBBM, bumida sa paglulunsad ng Project AGAP.AI sa QC

“Nagkataon lang na kahit dire-diretso ang negosasyon na ito ay nagkaroon ng obstacle o roadblock kasi nalift ang state of calamity at naapektuhan ang authority natin to procure bivalent vaccine," aniya.

“Walang katotohanan na nag delay ang DOH," dagdag pa niya. 

Charie Mae F. Abarca