Sa loob ng tatlong taon na pagsali ng Miss Universe Philippines, isang makabagbag-damdamin ang naging realization ng newly-crowned Miss Supranational Philippines Pauline Amelinckx.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ng Boholana beauty queen na hindi nagtatapos sa coronation ang kaniyang journey.

Aniya, "Just because other people shine, doesn't mean you shine any less."

Sumang-ayon naman dito ang ilang beauty queens na nagpadala rin ng suporta sa Boholana queen.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Mismong si Miss Universe Philippines second runner-up ay nagbigay din ng mensahe kay Amelinckx.

"PAU-PAU!! This journey only made me love you even more!! Excited to share the year with you and support you on your next endeavor!!! From donut halfies to this!!! Ily!!!"

Bet rin makita ni Binibining Pilipinas International 2021 Haanah Arnold ang ipapakita pa ni Amelinckx sa nasabing pageant kung saan ire-representa niya ang Pilipinas.

Full support din kay Amelinckx si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez, na kung saan ay sinabi nitong maraming na-inspire kay Amelinckx.

"Thank you for pouring your heart and soul into your whole journey, Paupau!! You are loved by so many of us because of your big heart filled with so much kindness, love, and passion. You will always be an inspiration and a blessing. All hail to our Miss Supranational 2023, we will support you all the way," ani Perez.

Nagpasalamat naman si Amelinckx sa mga sumuporta sa kaniyang laban.

Si Amelinckx ay kinoronahan bilang bagong Miss Supranational Philippines nitong Mayo 13 sa isang hiwalay na seremonyo, na kung saan ay kasabay nitong kinoronahan si Krishnah Gravidez ng Baguio bilang Miss Charm Philippines.

Samantala, itinanghal naman bilang bagong Miss Universe Philippines si Michelle Dee ng Makati.