Bigong napanalunan ang ₱132M jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Mayo 16.
Sa inilabas na official draw results ng PCSO, walang nakahula sa winning combination ng Ultra Lotto 6/58 na 28-41-45-23-58-38 na may kaakibat na ₱132,641,406.80.
Samantala, wala ring nanalo sa ₱27,697,304.40 na papremyo ng Super Lotto 6/49 na may winning combination na 18-46-20-48-27-05.
Bigo ring nahulaan ang winning combination na 25-41-28-04-09-01 ng Lotto 6/42 na may jackpot prize na ₱7,323,046.
Asahan na mas tataas pa ang papremyo ng lotto games ng PCSO.
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo; kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42 habang ang Super Lotto 6/49 naman ay tuwing Martes, Huwebes, at Linggo.