Marami ang naantig sa post ng netizen na si Allyn John Ceñal tampok ang mahigpit na yakap na natanggap ni Ms. Supranational Philippines Pauline Amelinckx mula sa kaniyang ina pagkatapos ng Ms. Universe Philippines 2023 coronation night noong Sabado, Mayo 13.

Isa si Ceñal sa mga Boholano na bumiyahe pa patungo sa SM Mall of Asia Arena upang suportahan ang kanilang pambato na si Pauline.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Ceñal na matapos ang announcement ng winners, kung saan hindi nasungkit ni Boholana beauty queen ang korona ng Miss U, hindi pa raw sila lumabas sa venue para maghintay at i-comfort ang kaniyang ina na si Mommy Erlinda.

“Gusto namin siya makita. Kasama namin mama niya, until lumabas na si Pauline, so ‘yung mga tao, sigawan, showing support for Pau,” kuwento ni Ceñal.

Eleksyon

Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

Doon ay todo ngiti naman daw ang Boholana beauty at masayang nag-pose kasama ang kaniyang fans.

“Hindi ko nakita na malungkot siya, not until she saw her mom. That was the moment na nag-breakdown siya and all of us na nandun was teary eyed. Na-feel namin ‘yung tight hug nila,” ani Ceñal.

“I dont know if may sinabi si Tita Erlinda kay Pau but narinig ko lang na parang sinabi ni Pau na, ‘I’m okay, Mama’ and then they hugged again.. it was a long hug.”

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 54,000 reactions, 51 comments, at 30,000 shares ang naturang post.

“We love you, Pauline and Mommy Erlinda ❤️,” saad naman ng ilang netizens.