Walang kagatol-gatol na sinabi ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na umaga pa lamang ng Sabado, Mayo 13, ramdam na niyang mananalo at masusungkit niya ang korona at titulo ng kompetisyon.

"Everything really just aligned. Na-feel ko na talaga siya noong umaga pa lang. Iba na talaga yung energy, and I think nakita ko po talaga siya onstage," sey ni Michelle nang makapanayam siya ng hosts ng morning talk show na "Unang Hirit" sa GMA Network.

"My calmness is incomparable, like, I wasn't intimidated. I wasn't pressured. I was just in the moment talaga," dagdag pa ni Michelle.

300% daw ang ibinigay niya rito ngayon, lalo't sa mga dating attempts niya, hindi nag-align ang Universe para sa kaniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Para kay Michelle, worth it ang kaniyang panalo lalo na't naging busy siya sa nagdaang mga buwan. Bukod sa shooting ng nagtapos na megaseryeng "Mga Lihim ni Urduja," nag-aalaga pa siya ng dalawang kapatid na may special needs. At siyempre, training sa naturang pageant.

"Snake walk" naman ang tawag niya sa kaniyang signature walk na ilalaban at bibitbitin niya sa El Salvador. Nagmula raw ito sa pageant fans at hindi sa queens.