Viral ngayon ang video ng OPM singer na si Gigi De Lana matapos itong makuhanan ng video habang nagpeperform at nawalan ng malay habang nasa entablado, sa isang event sa Ilocos Norte.

Agad na dinaluhan ng response team ang singer at dinala sa pagamutan.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

https://twitter.com/KrissyAchino/status/1657831011814875136

Bago ang performance na ito, nagkaroon ng car accident sina Gigi at ang kaniyang mga kabanda sa The Gigi Vibes habang sila ay nasa biyahe sa La Union patungong Ilocos Norte. Mabuti at minor injuries lamang ang kanilang natamo. Sumige pa rin ang banda dahil sa medical clearance ng Ilocos Training and Regional Medical Center Hospital, kaya makikitang may nakaalalay sa braso ni Gigi.

"Gigi De Lana and The Gigi Vibes was involved in a car accident today (May 14) at 10:20 am while traveling from the 'Sulong Aurora Event' to the 'Himala Sa Buhangin Event in Ilocos Norte.' The band members, Jon, Oyus, Mela, Gigi, and four other crew members, sustained minor injuries."

"Fortunately, no one else was involved in the accident, and all issues have been resolved. The band and crew have received medical clearance from the Ilocos Training and Regional Medical Center Hospital, and they will continue their journey to tonight's show."

"We express our gratitude to the LGU of San Fernando La Union, the LUPPO, and Mr. Erickson Dinglasan for their assistance during this unexpected incident. Maraming Salamat po!"

Kalakip ng FB post ang ilang mga litrato kung saan kitang-kitang wasak na wasak ang unahan ng kotseng sinasakyan nina Gigi at kabanda.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Gigi na muli silang babalik sa Ilocos Norte at babawi sa mga susunod na araw.

"Mga taga-Ilocos Norte, mahal namin kayong lahat! Babalik kami at magsasaya tayong muli, Pramis yan!"

Kanselado na rin ang kanilang gig sa Talavera, Nueva Ecija at nangako silang babawi si Gigi at ang banda kapag okay na ang pakiramdam nito.

Pinayuhan naman ng mga netizen si Gigi na magpahinga na lamang at baka matulad sa yumaong singer na si Jovit Baldivino.