Pinulong na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kaugnay sa kakulangan ng suplay ng asukal sa bansa.

Sa pahayag ng Malacañang, isinagawa ang pagpupulong matapos aprubahan ng Pangulo ang pag-aangkat ng 150,000 metriko toneladang asukal upang mapababa ang presyo nito sa merkado.

Inilatag naman ng mga opisyal ng SRA ang mga hakbang at paghahanda upang mailipat ang panahon ng paggiling at pag-aani ng tubo (sugarcane) sa bansa na mula sa Agosto ay gagawin na itong Setyembre ngayong taon.

Matatandaang umabot sa P110 ang presyo ng kada kilo ng refined sugar sa Metro Manila kamakailan na inalmahan ng mga mamimili.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa isinasapubliko ng Malacañang ang resulta ng pagpupulong.