Naaksidente sa kalsada habang lulan ng kotse ang singer na si Gigi De Lana at mga kabanda sa "The Gigi Vibes" habang nasa La Union patungong Ilocos Norte upang dumalo sa isang event.

Mababasa sa Facebook post ang opisyal na pahayag hinggil sa mga nangyari.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Gigi De Lana and The Gigi Vibes was involved in a car accident today (May 14) at 10:20 am while traveling from the 'Sulong Aurora Event' to the 'Himala Sa Buhangin Event in Ilocos Norte.' The band members, Jon, Oyus, Mela, Gigi, and four other crew members, sustained minor injuries."

"Fortunately, no one else was involved in the accident, and all issues have been resolved. The band and crew have received medical clearance from the Ilocos Training and Regional Medical Center Hospital, and they will continue their journey to tonight's show."

"We express our gratitude to the LGU of San Fernando La Union, the LUPPO, and Mr. Erickson Dinglasan for their assistance during this unexpected incident. Maraming Salamat po!"

Kalakip ng FB post ang ilang mga litrato kung saan kitang-kitang wasak na wasak ang unahan ng kotseng sinasakyan nina Gigi at kabanda.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Gigi na muli silang babalik sa Ilocos Norte at babawi sa mga susunod na araw.

"Mga taga-Ilocos Norte, mahal namin kayong lahat! Babalik kami at magsasaya tayong muli, Pramis yan!"

Nagbigay na rin sila ng advisory na kanselado na ang kanilang gig sa Talavera, Nueva Ecija.