Umaani ngayon ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang naging saloobin ng mag-asawang Slater Young at Kryz Uy hinggil sa isang anonymous listener na dumulog sa kanila, na maririnig naman sa kanilang podcast.

Ayon sa anonymous listener, ang boyfriend daw niya ay napag-alaman niyang nagpapantasya ng ibang babae kasama ang iba pa nitong mga kaibigan, batay sa kanilang group chats.

Sa naturang group chats ng mga kaibigan ng kaniyang boyfriend, makikita ang iba't ibang litrato ng mga babaeng pinapantasyahan nila.

Sey naman ng mag-asawa, "very normal" ang ganitong akto sa mga lalaki, at nagiging masama lamang kung gagawin nang aktuwal na hahantong na sa cheating.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“The guy is being absolutely honest,” ani Slater na Pinoy Big Brother winner. "Kasi siyempre, if I’m going to lie to you, and you ask me if I have boners about other women and if I wanted to lie just to make you comfortable, I’m just gonna say, ‘No, of course not.’ Kryz and I talk about that. It’s normal. It’s just a fact of life that there are many other women more attractive than you or just as attractive than you.”

"Yung mga groups na nagsesend ng mga photos of girls and like fantasizing over it, it’s normal. We have a lot of chat groups with friends, not necessarily dedicated to that. From time to time, usually comes from dalawa or tatlong tao na mahilig mag-send nang ganyan. May mga comment-comment pa. Siyempre ikaw, as part of that group and as a guy, sakyan mo lang."

Si Kryz naman, inamin niyang hindi niya tinitingnan o pinapakialaman ang cellphone ni Slater para mapangalagaan naman ang kaniyang peace of mind.

Malaki naman daw ang tiwala niya kay Slater na hindi ito gagawa ng mga bagay na hindi niya magugustuhan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Admiring is different from fantasizing! And fantasizing someone especially when you're in relationship is not normal! LOL."

"Admiring someone is acceptable- that's normal for both genders, but as a person in a committed relationship or marriage fantasizing is not acceptable as it can possibly hurt your partner's feelings whether you're a man or a woman. If you really love your partner, fantasizing another person won't even arise."

"Naging red flag bigla si Slater."

"May mga normal na mali. Calling it normal doesn't make it right. Saying that it's wrong and refusing to call it normal is one of the ways to keep it from becoming normal. Hindi natin mababago ang behavior ng iba. Pero we can still say it's wrong.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mag-asawa tungkol sa naging reaksiyon at komento ng mga netizen tungkol dito.