Ikinalungkot ng tinaguriang “All Purpose Queen” Yasmin Marie Asistido o “Kween Yasmin," matapos hindi binayaran ang kaniyang performance sa hindi pinangalanang paaralan.

Ayon pa sa "Kween of Sensation", ito umano ang kauna-unahang hindi siya nabayaran ng TF sa kaniyang todo-bigay na performance.

"Warning na pag wala pa rin, naku, hindi biro 'yung naglaan ka ng panahon at ginugol [ang oras] alang-alang sa performance. Ang daming dahilan, until now wala pa rin 'yung payment mag 3 months na po akong naghihintay.

Nagperform ako sa inyo noong March 25, 2023 pa. Hmmm, parang may mali na kasi eh, hindi na tama, pagod ka after performance tapos ganito lang," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"This is the first time I have experienced it in my life," dagdag pa niya.

Ikinuwento na rin ni Kween Yasmin, na parang wala na umanong planong bayaran siya sa kaniyang TF, dahil tatlong buwan na umano ang lumipas ngunit hindi pa rin ito nagparamdam sa kaniya.

Aniya, "Clue: hindi pa nagbabayad until now ng Talent fee. I performed there March 25 2023. Mag 3 months na aala pa rin. Clue eskwelahan sya, pag wala pa rin talaga, naku."