Hati ang reaksiyon, komento, at saloobin ng mga netizen at beauty pageant fans sa pagkapanalo ni Michelle Dee ng Makati City sa naganap na Miss Universe Philippines 2023 kagabi ng Mayo 13, 2023 sa SM Mall of Asia Arena.

Sa pagkapanalo pa lamang ni Dee ng "Best in Evening Gown" ay napapatanong na ang netizens kung bakit siya raw ang nanalo, gayong may ilang mga kandidatang mas magaganda at jaw-dropping pa raw ang pagrampa suot ang kanilang evening gown.

At nang ihayag na nga ang panalo niya bilang Miss Universe Philippines 2023 ay bumaha ng iba't ibang komento at social media posts na kumukuwestyon sa pagiging DEE-serving niya sa korona at titulo.

Marami kasi ang nagsasabing mas deserve pa raw ni Miss Bohol na si Pauline Amelinckx na maging Miss Universe PH lalo't 10 special awards ang naiuwi nito sa preliminary competitions.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Anyway, narito ang iba't ibang reaksiyon at komento ng mga netizen na mababasa sa comment section, na makikita sa Facebook page ng Miss Universe Philippines.

"Wala kaming paki. Mga luto, cooking show."

"Congrats, queen! Truly dee-serves it!"

"After how many try, your time has come. Congratulations!"

"Bohol for me…"

"Congrats Michelle Dee!!! Continue the losestreak!!"

"YES!!!! THE BEST, Congratulations Ms. Michelle Marquez Dee our new Miss Universe Philippines 2023…"

"The design is very ngeee!"

"Based on her background check, and from the beginning in the competition, I knew she is the new Miss Universe Philippines 2023!"

"Anong problema n'yo? Mas magaling pa kayo sa judges?"

Si Michelle ay anak ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez.