PINALAD na nailigtas sa tiyak na panganib ang dalagang nagtangkang magpatiwakal nang sagipin ng mga pulis sa pagtalon mula sa matarik na overpass sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station (PS 4), bandang alas-12:00 ng madaling araw noong Sabado, isang 24-anyos na dalaga na ikinubli sa pangalang Lilay ng Bagbaguin, Caloocan City, ang nagtangkang tumalon sa tuktok ng overpass sa Quirino Highway sa Brgy. Gulod, Novaliches.

Nagkataon naman na namataan ng mga operatiba ng PS4 anti-criminality patrol ang insidente sa lugar.

Sa puntong ito, agad pinakiusapan ng mga pulis ang dalaga kung saan bigla itong dinakma sa likod ng mga kasamang operatiba na nagresulta ng pagkasagip sa problemadong dalaga.

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO

Lumitaw sa imbestigasyon ng PS4 Women Desk labis ang depresyon ng dalaga dahil sa mga problema sa pamilya at sa pera.

Jun Fabon