Tila nagdeklara ng "digmaan" ang social media personality-negosyante na si Rendon Labador sa buong showbiz industry matapos "magkampihan" ang mga artista at celebrity at ipagtanggol ang Kapuso comedian, direktor, at writer na si Michael V.

Ayon kay Rendon, wala siyang pakialam kung magkampihan pa silang lahat. Dapat daw tanggapin ng lahat na mga laos na sila at iyan daw ay masakit na katotohanang kailangang lunukin.

"Totoo naman na laos na kayong lahat. Pasalamat nga kayo sinabi ko pa," ani Rendon.

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Rendon na nais niyang tapusin at pabagsakin na ang "showbiz era" kaya nanawagan siya ng bakas sa kapwa influencers.

'Go baby!' Valentine Rosales bumalimbing, pumanig kay Rendon Labador

"I want to end showbiz era! My fellow influencers, this is our time! Rice & Shine! #StayMotivated," ani Rendon.

Screengrab mula sa IG ni Rendon Labador

Sa isa pang Facebook Live ay muli nitong iginiit na hindi na nakakatawa si Bitoy, at dapat nitong tanggapin ang mga nauna niyang nasabi patungkol sa mga artista at celebrities.

Sa kabilang banda, kinampihan naman siya ng dating nakaalitang social media personality na si Valentine Rosales.