Tutulungan ng pamahalaan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na maapektuhan ng ipatutupad na work visa suspension ng Kuwait, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado.
Paliwanag ni DFA Assistant Secretary Paul Cortes, isasama sa National Reintegration Program ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pinoy worker upang mabigyan ng tulong o ayuda.
“Para mabigyan sila ng tulong at ayuda considering alam nila kung ano iyong mga pinagdaanan at alam nila what they had to give up just to the flight to Kuwait,” pagdidiin ni Cortes sa ipinatawag na media forum sa Quezon City nitong Mayol 13.
Nauna nang naiulat na sinuspindi na ng Kuwaitigovernment ang pagbibigay ng bagong entry visa sa mga Pinoy na nasa Middle Eastern country.
“Well, yesterday (Friday) nagpadala na sila (Kuwait) ng official note na suspended nga ang new visas,” aniya.
“We were told na it is only for those na bago – meaning kung wala kang resident visa o iyong tinatawag nilang ‘iqama’… hindi ka pwede pumasok. Pero kung babalik ka ng Kuwait dahil doon ka naman na nagtatrabaho at—iyon nga, have been living there, working there, pwede ka namang pumasok,” paglilinaw pa nito.