Tila ngayon pa lang ay may pila na para sa anak ng "Sabado Night" sexy actress na si Ina Raymundo na si "Jakob Poturnak" na flinex nito sa social media kamakailan.

Ayon sa Instagram caption ni Ina, limang buwan niyang hindi nasilayan nang personal ang anak. Kahit siya ay nagulat na inilaki nito ngayon.

"Welcome back @jakobpoturnak! Didn’t see my son for five months. I’m shookt at how much he’s grown. So happy to finally be with my only sonshine," ani Ina.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Samantala, marami naman sa mga netizen ang namalikmata at tila sa isang sulyap daw ay mapagkakamalan si Jakob na isang Hollywood star.

May mga nagsabing hawig ito ni Channing Tatum. May mga nag-akalang si Chris Evans ito. Kamukha rin daw ito ni Tom Cruise, at ni King George ni Queen Charlotte.

At may mga nagsabi pang bet nilang maging mother-in-law si Ina!

"Feeling ko talaga si Ms. Ina magiging byenan ko."

"Parang kelan lang baby pa sya. Ngayon baby ko na sya."

"Tom Cruise na Channing Tatum na Chris Evans.. sino pa ba… Huuuuiiiiiiiii lahat na ata pina-isa sa kanya. Proud momma."

"Basin pwede ko ma daughter-in-law nimo tita char HAHAHHAHAH @inaraymundo95."