Tila nahaplos ng isang ina ang damdamin ng ilan sa kwentong ibinahagi ng netizen na si Jz kung saan ipinakita niya ang mensahe sa kaniya ng kaniyang ina.

‘STAND TALL AND PROUD’ 

Ito ang naging mensahe ng ina kay Jz kung saan kuwento niya sa kaniyang Twitter account na nag-aalinlangan siyang dalhin ang kaniyang kasintahan sa kanilang hometown para sa kanilang weekend getaway dahil natakot siya sa mga sasabihin ng ibang tao sa kanilang pamilya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

https://twitter.com/jznamata31/status/1643180966352150529?t=4MFfXBw3_q0LwtimL8Ohfg&s=19

"I was hesitant to bring my partner sa hometown namin sa Calapan because of the possible gossips saying na "yung anak ni ano.. bakla, dala yung jowa nya,"

“My mama knows that we’ll be staying on a nearby resort because I was trying to avoid what others may think of me that may cause gossips towards my family,” dagdag niya pa.

Ngunit dito sinabi ng kaniyang ina na mahal na mahal niya ang anak kahit ano man ang sabihin ng ibang tao, huwag umano niya itong ikahiya dahil wala siyang responsibilidad sa ibang tao at laging tandaan na manindigan at ipagmalaki kung sino siya.

"Anak basta tandaan mo mahal na mahal kita anuman sabihin sau ng tao nakasuporta ako sau,"

“Wag mong ikahiya kung ano ka wala kang responsibilidad sa ibang tao tandaan mo yan, stand tall and proud.”

Inamin niyang hindi niya inaasahan na magiging supportive ang kaniyang ina sa relasyon niya sa kaniyang partner kung kaya’t ikinatuwa niya na ganun na lamang ang naging mensahe ng kaniyang ina.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!