Matapos ikuwento sa podcast ni GMA showbiz news reporter Nelson Canlas kung paano sila nagkakilala ng kaniyang mister na si LM Cancio, sinabi ng multi-awarded broadcast journalist na si Kara David na hindi siya nagseselos at hindi nakararamdam ng insecurity na malayo sila sa isa't isa ng mister.

Isang seaman kasi ang mister, kaya sanay na si Kara sa kanilang long distance relationship o LDR. Naniniwala si Kara na "exception" si LM sa mga madalas na birong ikinakapit sa mga seaman: ang pagiging "seaman-loloko," dahil nga malayo sa kanilang kasintahan, asawa, o mga mahal sa buhay.

Secured ang pakiramdam ni Kara na hinding-hindi siya lolokohin at sasaktan ng mister.

"Alam ko na exception to the rule yung asawa ko, kasi unang-una secure ako sa relationship namin," aniya.

'Love at first hear!' Kara David ibinunyag kung paano nakilala, na-fall sa mister

"Alam ko na hindi siya gagawa ng anything na ikakaselos ko."

"Secure ako sa sarili kong maganda ako. Para sa mata ng asawa ko alam ko, ako pinakamaganda."

Ikinasal sina Kara at LM noong Enero 6, 2018 na ginanap sa St. James the Apostle Parish sa Betis, Pampanga.