Kung dati ay nakasagutan, mukhang nag-iba na ang ihip ng hangin kay Valentine Rosales dahil kampi siya ngayon sa nakaalitang si Rendon Labador, patungkol sa naging buwelta nito sa sinabi ng Kapuso comedian, director, at writer na si Michael V.

Ayon kasi sa Facebook post ni Bitoy noong Abril 29, 2023, "The first thing any 'content creator' should understand is the meaning of the word: 'CONTENT.'"

Walang binanggit na pangalan o hindi naman kilalang detractor ni Rendon, subalit napa-react dito ang negosyante-vlogger bilang isa rin siyang content creator.

"Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW," aniya.

Kuya Kim, Joross pumanig kay Bitoy: 'Daming tinamaan, yung isa sa mukha eh!'

Dagdag pa ni Rendon, "INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipagpatalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag-produce ng content.. manahimik na lang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM."

Kumampi naman kay Michael V ang karamihan sa mga netizen at celebrities gaya nina Kuya Kim Atienza, Joross Gamboa, Dr. Kilimanguru, Kakai Bautista, at Tuesday Vargas.

Si Tuesday ay talaga namang nag-post pa nang bonggang-bongga upang kondenahin ang ginawa ni Rendon. Anang Tuesday, wala siyang inaaway na kahit sinumang influencers, pero hindi maatim ng sikmura niya na may bumabastos sa kaniyang iniidolong artista.

Matapos ang lahat ng ito ay tila pumapanig naman si Valentine sa mga sinabi ni Rendon at tinawag pa itong "Go, baby!"

"I agree with Rendon 100% go baby," ani Valentine.

Screengrab mula sa FB ni Michael V

"Kinilig" pa si Valentine nang ilayag ang tambalan nila ni Rendon na "TineDor."