Pumasok na sa semifinals ang Gilas Pilipinas matapos tambakan ng 60 puntos ang Singapore, 105-45, sa 32nd Southeast Asian Games sa Morodok Techo Stadium sa Cambodia nitong Sabado.

Hawak na ng Gilas ang 2-1 record sa Group A.

Haharapin ng Pilipinas ang mananalo sa sagupaan ng Group B members Indonesia at Thailand sa Linggo na huling araw ng elimination round.

Nitong Mayo 11, nakalasap ng unang talo ang Philippine team matapos padapain ng Cambodia, 79-68.

National

Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?

Itinakda sa Lunes, Mayo 15, ang semifinal kung saan ang mananalo ay papasok sa finals.