Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte, nitong Biyernes ng tanghali, Mayo 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:34 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 41 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao Del Norte, na may lalim na 8 kilometro.

Wala namang inaasahang ng aftershocks ang lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.