Naitala sa Legazpi City, Albay, ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon matapos itong makaranas ng 50°C nitong Biyernes, Mayo 12, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, naranasan ng Legazpi City ang “dangerous” heat index na 50°C bandang 11:00 ng umaga kanina.

Ang heat index ay ang pagsukat umano kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index na mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion”.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.

Bukod sa Legazpi City ay nagkaroon din umano ng ‘dangerous’ heat index nitong Biyernes sa Butuan City, Agusan del Norte (46°C); Dagupan City, Pangasinan (44°C); Dipolog, Zamboanga del Norte (44°C); Iba, Zambales (44°C); Roxas City, Capiz (44°C); San Jose, Occidental Mindoro (44°C); Catarman, Northern Samar (43°C); Davao City, Davao del Sur (43°C); Masbate City, Masbate (43°C); Sangley Point, Cavite (43°C); Zamboanga City, Zamboanga del Sur (43°C); Ambulong, Tanauan, Batangas (42°C); and Tacloban City, Leyte (42°C).

Matatandaang, dahil sa init ng panahon, ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kamakailan na dapat maglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng direktiba na naglalayong bigyan ng ‘work break’ ang outdoor workers tuwing mataas ang heat index sa kanilang lugar.

BASAHIN: ‘Work break’ tuwing mataas ang heat index, ipagkaloob sa outdoor workers – Pimentel

Dahil din sa init ng panahon ay binigyang-diin kamakailan ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na kinakailangan nang ibalik ang school calendar sa dati, kung saan bakasyon ang buwan ng Abril at Mayo, para umano sa kaligtasan ng mga estudyante.

BASAHIN: ‘School calendar, kailangan nang maibalik agad sa dati’ – house leader