Eleganteng-elegante ang Pinay-American Miss Universe 2022 na si R'Bonney Gabriel suot ang modern Filipiniana na likha ng Pinoy designer na si Mark Bumgarner, unang gabi ng titleholder sa bansa noong Huwebes, Mayo 10.

Present si Gabriel sa kamakailang Fashion and Charity Gala Night ng Miss Universe Philippines sa Okada Manila.

Kasunod nga ay iflinex ng Miss Universe sa Instagram page nito ang Filipiniana attire ng Fil-Am titleholder kung saan maraming netizens ang kaniyang napa-wow.

"A touch of Filipiñana magic, embodied in these butterfly sleeves," mababasa sa kaniyang caption.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"Classic and conservative Filipiña always brings the elegance and artistry of Filipino culture to other foreign countries. 🇺🇸🇵🇭 This is absolutely stunning! 💯" saad ng isang pageant fan.

"THIS LOOK IS OUT OF THIS WORLD! SLAYYYYYYYYYY!!! 🔥🔥🔥" segunda ng isa pa.

"This terno made her even more beautiful😭 she looks like the darling of the Philippines.❤️❤️❤️"

Kasalukuyang nasa bansa ang Filipino-American beauty queen para sa espesyal na partisipasyon sa Miss Universe PH at ilang charity events kung saan magiging guest host din si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi.

Ang main hosts ng event ay sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Xian Lim.Magkakaroon naman ng performance ang former runner-up ng eleventh season ng American Idol ang Filipino-American na si Jessica Sanchez.

Magtatagisan ng ganda at talino ang 38 candidates upang masungkit ang koronang ipapasa ni Celeste Cortesi, ang Miss Universe Philippines 2022.

Magaganap ang prestihiyusong beauty pageant sa Mayo 13 ng 7 p.m. sa SM Mall of Asia Arena.

Mapapanood ito live simulcast sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel at iWantTFC. Magkakaroon naman ng delayed telecast sa GMA-7 sa Mayo 14, ika-9 ng umaga.