Nasa 12 na babaeng Pinoy ang namamatay sa Pilipinas kada araw dahil sa cervical cancer, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pahayag ni Department of Health (DOH)-Metro Manila Center for Health Development Assistant Regional Director Aleli Annie Grace Sudiaca, karamihan ng tinatamaan ng kanser ay nasa pagitan ng 15 at 44 taong gulang.

Binanggit ng opisyal, ang nasabing kanser na nakaaapekto sa hangganan ng matris ay dulot ng human papilloma virus (HPV) na nakukuha sa pakikipagtalik nang walang proteksyon.

"May mga datos rin po na nagsasabi 'yung mga nagka-cervical cancer, nung tiningnan nila ang history, 'yun 'yung mga maaga nakipag-sex o maraming sexual partners," sabi ng opisyal sa isinagawang information caravan sa Las Piñas City kamakailan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Philippine News Agency