Inaasahang papalo sa ₱220 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 habang ₱120 milyon naman sa Ultra Lotto 6/58 na nakatakdang bolahin ngayong Biyernes, Mayo 12 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
"Say yay! 'coz indeed, our favorite Friday is coming our way!," saad ng PCSO sa inilabas ng jackpot estimates nitong Huwebes, Mayo 11.
Aabot sa ₱220 milyon ang premyo ng Mega Lotto 6/45 matapos hindi mapanalunan noong Mayo 10 ang ₱209,772,953,60.
Samantala, papalo naman sa ₱120 milyon ang Ultra Lotto 6/58 nang hindi mapanalunan ang ₱111,548,128.00 na premyo noong May 9 draw.
Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang UltraLotto 6/58 ay tuwing Martes, Biyernes at Linggo.