Tinambakan ng Philippine women's basketball team ang Singapore, 94-63, sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Morodok Elephant Hall 2 in Phnom Penh, Cambodia, nitong Huwebes.
Sa unang bugso ng laban, pitong puntos ang bentahe ng Gilas, 45-38.
Nagtuloy-tuloy na ang abante ng Gilas na umabot pa sa 33 puntos, 94-61, sa papaupos na oras.
Pinamunuan ni Khate Castro ang Gilas sa nagawang 14 puntos, habang nag-ambag naman ng tig-11 puntos sina Afril Bernardino at Ella Fajardo.
Tumulong din sa panalo ng koponan si Clare Saquing Castro na bumomba ng 10 puntos.
Pinangunahan naman ni Amanda Zhiyan ang Singapore sa nakubrang 18 puntos, dagdag pa ang 13 markers nii Chu Yin Chan.
Hawak na ng Gilas ang 2-0 record.
Makakasagupa pa ng Gilas ang wala pang talong Indonesia sa Biyernes dakong 2:00 ng hapon (oras sa Pilipinas).