Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang pagsusuot ni Filipino-American sports journalist at host Pablo Torre ng sikat at iginagalang na academic sash na isinusuot tuwing graduation rites sa University of the Philippines o UP, sa dinaluhang 2nd Annual Gold House Gold Gala.

Dumalo rin sa naturang event ang ilang notable Filipino celebrities gaya nina Liza Soberano, Bella Poarch, Patrick Starr, at lea Salonga.

Hindi nagustuhan ng mga netizen, lalo na ng mga taga-UP (dati at kasalukuyan) ang ginawang pagsusuot ng UP Sablay ni Torre sa naturang event; sana raw, Barong Tagalog na lamang ang isinuot niya.

Pinagtataasan kasi ng kilay ang pagsusuot niya ng naturang acad sash gayong hindi naman daw siya graduate ng UP. Siya ay nagtapos sa Harvard University. Ang nagtapos sa UP ay ang kaniyang mga magulang.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

"So, just wanted to answer a couple questions about the sash I'm wearing here, which is called a sablay. And this specific one proudly belongs to graduates of the University of the Philippines. I didn't go to UP. But both of my parents, and both of their late fathers, did. So shoutout to my dad for letting me borrow his sablay for one night, so I could pay tribute to all of them 🇵🇭," aniya sa kaniyang Instagram post.

Nilinaw ni Torre na wala siyang masamang intensyon sa kaniyang ginawa; sa katunayan ay nag-post na siya sa Instagram ng paliwanag kung bakit niya naisip na mag-adorno ng Sablay sa kaniyang kasuotan, subalit tila nakalimutan daw niya na ang "social media, without context, can be hell."

Humingi na ng dispensa si Torre sa mga netizen, partikular sa mga taga-UP, na hindi nagustuhan ang kaniyang ginawa.

https://twitter.com/PabloTorre/status/1656445414495666177