Humingi ng paumanhin ang boksingerong si Jason Facularin kaugnay sa pagkamatay ng 22-anyos na si Kenneth Egano na tumalo sa kanya sa isang laban sa Cavite kamakailan.

“I didn’t expect that thiswillhappen when we did our best,” bahagi ng social media post ni Facularin.

“Why did it happen to us? “Sorry that it happened. I hope you’re in a good place," aniya.

Sa nasabi ring post, bakas pa rin sa mukha ni Facularin ang matitinding suntok sa kanya ni Egano sa kanilang laban sa Imus Sports Gymnasium sa Imus, Cavite nitong Sabado.

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Si Egano ay hinimatay ilang segundo pagkatapos ng kanilang eight-round fight at kaagad na isinugod sa ospital.

Matapos ang apat na araw, binawian ng buhay si Egano dahil sa brain hemorrhage.

Nauna nang inihayag ng kampo ng boksingerong si Manny Pacquiao na binayaran nila ang gastusin sa ospital ni Egano.

Ang MP Productions ay pag-aari ng boksingerong si Manny Pacquiao na nangangasiwa naman sa Blow-by-Blow boxing program kung saan pinaglabansina Egano at Facularin.