Inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ang kagamitang sisipsip sa natitirang langis ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Paliwanag ng National Task Force on Oil Spill Management, bago matapos ang Mayo ay nasa bansa na ang siphoning equipment na mula sa Singapore.

Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, inaasahang mahihigop ang lamang langis ng oil tanker sa unang bahagi ng Hunyo.

Aniya, halos isang buwan ang operasyon nito upang tuluyang mawala ang natitirang langis ng barko.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matatandaang lumubog ang naturang barko sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro nitong Pebrero 28 habang naglalayag mula Bataan patungong Iloilo, karga ang mahigit 800,000 litrong industrial fuel oil.