Nagdiwang ng kaniyang 31st birthday ang pinakamatandang aso sa buong mundo nitong Huwebes, Mayo 11, ayon sa Guinness World Records (GWR).

Sa ulat ng GWR, ipinanganak ang miraculous fur baby mula sa Portugal na si Bobi noong noong Mayo 11, 1992.

BASAHIN: ‘Say hello to Bobi!’ Bagong naitalang oldest dog ever, miraculous daw na nabuhay

Ngayong araw ang ika-31 na kaarawan ni Bobi, at mahigit 100 katao mula pa sa iba’t ibang dako ng mundo ang inaasahan umanong sa isasagawang salu-salo ng kaniyang fur family.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“Local meats and fish will be served up to guests, with extra for Bobi, who only eats human food,” saad ng GWR hinggil sa pagdiriwang ng kaarawan ni Bobi.

“A dance troupe are also set to perform, and Bobi will actually be participating in one of the dances!”

Ayon sa fur parent niyang si Leonel, mula nang kilalanin si Bobi bilang world’s oldest dog ever noong Pebrero ay marami nang journalists at mga tao mula sa iba’t ibang dako ng mundo, lalo na sa Europe, USA, at Japan ang bumibisita sa kanila para kuhanan siya ng larawan.

Kamakailan lamang ay dinala naman umano si Bobi sa vet para sa check-up matapos mag-alala ni Leonel sa potential physical at mental stress na maramdaman ni Bobi sa pagtanggap ng maraming bisita.

“There were a lot of pictures taken and he had to get up and down many times. It wasn’t easy for him,” saad ni Leonel.

Gayunpaman, nagpapasalamat daw siya dahil ngayon ay nasa mas maayos nang kalagayan ang kaniyang pinakamamahal na alaga lalo na sa araw ng kaarawan nito.

Happiest 31st Birthday, Bobi!