Nasa 1,227 indigent senior citizen ang tumanggap ng pensyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tarlac City, Tarlac kamakailan.

Sa Facebook post ng ahensya, layunin ng naturang Social Pension for Indigent Senior Citizens program na matulungan ang mahihirap na senior citizen para sa pang-araw-araw na pangangailangan, katulad ng medikal alinsunod na rin sa Republic Act 9994 (Expanded Senior Citizens Act of 2010).

Sa datos ng DSWD, aabot na sa 4.1 milyon ang mahihirap na senior citizen sa bansa na makikinabang sa nasabing tulong ng pamahalaan.

Ipinatutupad ang programa sa tulong ng mga local government unit (LGU), ayon pa sa DSWD.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'