Inanunsiyo ng Department of Health (DOH)– Ilocos Region nitong Huwebes na magkakaloob sila ng mobilization funds at mamamahagi ng karagdagang financial incentives sa mga local government units (LGUs) sa rehiyon upang maabot ang kanilang vaccination targets at matugunan ang tumataas na bilang ng susceptible children laban sa vaccine-preventable diseases (VPD) sa bansa.

Ayon kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, ang mobilization fund ay makatutulong sa mga LGUs sa kanilang financial processes at makapagdaragdag ng alokasyon para sa kanilang ongoing Measles-Rubella and bivalent Oral Polio virus Vaccine Supplementary Immunization Activities (MR-bOPV SIA) campaign.

National

Masbate, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

“This fund will be allocated according to the number of eligible children, vaccinated children, vaccination coverage and timely reporting. Aside sa mobilization fund meron pang additional financial incentives depende sa accomplishment ng isang LGU,” aniya pa.

Dagdag pa ni Sydiongco, ilang piling health personnel, technical staff, administrative support at immunization coordinators sa regional at provincial level, na aaktong coordinators, supervisors at monitors sa kanilang kampanya, ang pagkakalooban rin ng insentibo, subject sa availability ng pondo.

“We will base the number of children vaccinated as per MR target population. And the number of vaccinated children will be determined after the campaign period, including approved extension days,” ayon kay Sydiongco.

“Nagpapasalamat po ako sa mga suporta ng ating mga LGUs, sa ating mga health workers at sa mga magulang na nagpabakuna po ng kanilang mga anak. Ang ating mga vaccination team ay magpupunta sa inyong mga barangay upang magbigay ng MR-OPV vaccines sa mga batang edad 0-59 months old kaya’t atin pong tangkilikin ang mga bakuna dahil ito ay libre, ligtas at epektibong magbibigay ng protekyon sa lahat ng mga bata,” ani Sydiongco.