Sa latest episode ng showbiz-oriented vlog ni Cristy Fermin na "Showbiz Now Na", sinabi niyang baka "sunod-sunuran" umano ang aktor na si Enrique Gil sa desisyon ng kaniyang girlfriend na si Liza Soberano.

Ayon pa sa showbiz columnist, parang wala umanong sariling desisyon ang aktor dahil wala man lang itong pahayag sa mga isyung kinasasangkutan ni Liza.

Aniya, "Sinasabi ng bashers o netizens, "tau-tauhan" lang si Quen. Pinapayuhan niya sana ang girlfriend niya. Aba'y kahit nga po sa isyu ng loveteam, ni hindi nga siya binabanggit ni Liza."

"At saka 'yung utang na loob. Alam naman niyang kung 'di dahil sa loveteam (LizQuen) na ito 'di rin naman siya magtatagumpay. Siya na rin ang may sabi na ayaw niyang ipatambal si Enrique Gil sa iba dahil comfort zone raw nila 'yung silang dalawa," dagdag pa niya.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Idiin din ni Cristy na dapat ay makausap umano ng manager si Enrique Gil, na 'di sapat ang manahimik lang at kailangan ay makihalo para mapatunayang may sariling boses o paninindigan ang aktor.

"Kailangan na sigurong kausapin niya ang kaniyang alaga. Hindi sapat 'yung basta tahimik lang, hindi sapat 'yung hindi nakikihalo. kailangan mayroon din siyang sabihin, para sabihin din naman ng publiko na mayroon siyang paninindigan,'' sey ni Cristy.