Sa kanilang pagdiriwang ng 6-year anniverary nitong Miyerkules, Mayo 10, inanunsyo ng folk-pop band Ben&Ben na magla-launch sila ng kanilang sariling foundation na tatawaging “Puhon Foundation.”

Sa isang social media post, binati ng Ben&Ben ang kanilang fans na tinatawag nilang “Liwanag” sa na-achieve nilang anim na taon.

“Mula nung nagdecide kaming maging banda nung May 10, 2017 sa isang foodcourt sa BGC, hanggang ngayon, sobrang grateful kami sa opportunity na makapagshare ng music at ng sarili namin sa inyo,” saad ng Ben&Ben.

Doon ay ianunsyo na rin ng banda na ila-lauch nila ang kanilang sariling foundation sa pagtatapos ng buwan ng Mayo.

National

Sen. Imee, 'di na nakakausap si PBBM: 'Maraming nakapaligid sa kaniya na humaharang'

“The Puhon Foundation aims to support causes and advocacies that the band believes in. Together, let’s help more organizations and movements do good in the world. We’ll share more about this in the coming days,” anang Ben&Ben.

“We’re also excited to launch the Paninindigan Kita merch line and the BBTV mini-merch line on May 27. Stay tuned for details on this!” saad pa nito.

Kilala ang Ben&Ben sa kanilang mga hit-songs tulad ng “Kathang Isip”, “Araw-araw”, “Maybe the Night”, “Pagtingin”, “Leaves”, at “Make It with You” na kapwa umabot na kamakailan sa 100 million streams sa music platform na Spotify.

BASAHIN: Pinoy record: 6 na kanta ng Ben&Ben na may tig-100M streams na sa Spotify