Arestado ang isang tricycle driver at isang 16-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na grupo ng Pasay police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Martes, Mayo 9.

Ani Col. Froilan Uy, hepe ng pulisya sa lungsod, kinilala ang mga suspek na sina Jomarie Chester Cruz, 24, isang tricycle driver; at alyas "Adrian."

Sinabi ni Uy na naaresto ang mga suspek dakong alas-5:30 ng hapon sa Barangay 60, Zone 7, Pasay City.

Aniya, nakipag-coordinate ang mga miyembro ng PDEA sa SDEU para sa pag-aresto sa mga suspek na parehong nakalista sa police drug watch list bilang street level individuals (SLI).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na nakumpiska mula sa mga suspek ang 5.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P36,040; isang black coin purse, ang P500 buy-bust money, at P1,000 boodle money.

Nakakulong ang mga suspek sa police custodial facility at sinampahan ng kasong illegal possession of drugs.

Jean Fernando